Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik) Kailangan mo ng lamesa, tv, radyo at sofa (putik) Alaala sa mga larawan (putik) Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik)
Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik) Kinain ang kama, tukador, kabinet, sahig (putik) Ubos ang mga sapatos at damit (putik) Libro, kompyuter, cd, gitarang di maipagpapalit
Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik) Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik) Nagpatong-patongg trak, jepney at kotse (putik) Buong bayan nagkulay tsokolate (putik)
Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip Inalay ang sarili at lumusob sa panganib Buti na lang naiakyat si lola Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya
Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Nagunaw ang mundo