Kaya Mo by: Protein Shake Together with Ney & Kean
Marami kang mga pangarap Na nais mong sa buhay mo ay maganap Laman ng iyong puso at isip Nais mong may pagbabagong malupit Nais abutin ang langit Nais mong lumipad Nais mong makilala Pakita ang iyong makakaya
Kaya mong maging bayani Magtiwala sa sarili Kayang-kayang-kaya mong gawin Kaya mong maging bayani Sa puso at sa isip mo Sabihin mo na kaya mo Kayang-kayang-kaya natin to
Lahat ng maliit na bagay Na ginagawa mo ng buong husay Basta't maging tapat ka lamang Hinay-hinay lang, darating din yan
Maaabot ang langit Makakayang lumipad Ikaw'y makikila Ipakitang kayang-kaya
Kaya mong maging bayani Magtiwala sa sarili Kayang-kayang-kaya mong gawin Kaya mong maging bayani Sa puso at sa isip mo Sabihin mo na kaya mo Kayang-kayang-kaya natin to
Ikaw, ako, tayong lahat Magkasamang mangarap Malapit nang marating Sumama na sa ating tagumpay