Martilyo Lyrics - Gloc-9 feat. Letter Day Story

    Martilyo
    Gloc-9 feat. Letter Day Story



    Dito sa amin kung san nang galing
    Mga makatang ulam at kanin
    Lamang ang bayad pero pumapayag
    Upang masubukan at mapatunayan...

    Lagi mong tatandaan
    Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
    Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
    Kailangang pukpokin ang pako para bumaon

    Narito nang muli ang isang taong
    Di nag atubili na aking mabago ang
    Yong pag tingin sa mga taong humahawak ng
    Mikropono kahit maputik ay humahakbang
    Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak
    Bawat tunog ng palakpak sakiy tumatatak
    Pero di tumataas aking mga paa
    Nakatungtong sa lupa dahil alam ko na
    Akoy nasa pinas may pila sa bigas
    Ilan lang ang sikat na bulsa'y di butas
    Para di mautas dapat ay matigas
    Ang yong mukha kahit panoy matikman ang
    Katas Ng ubas ang problemay lutas
    May maayos na tela maong di kupas
    Ang sabi mo sakin Ay hindi ko na makakaya
    Pang Habulin Mga pangarap
    Ay ipunin At pagkatapos Ay higupin

    Higupin ng higupin
    Parang baso na may yelo
    Ilan pa bang salita ang dapat kong banggitin
    Na laging bumobwelo
    Bueno
    Yaman din lamang na kayo'y narito na sige
    Pakinggan ang bagong nasulat kong
    Kanta. HOY!

    Lagi mong tatandaan
    Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
    Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
    Kailangang pukpukin ang pako para bumaon
    Hindi mo kayang pigilan
    Hindi mo kayang galusan
    Ang puso kong balot ng bakal
    Na patuloy patuloy
    Sa pag tibok

    Humihinga kahit amoy bulok
    Walang tigil sa pag subok
    Kahit parang gabuhok
    Lang ang posibilidad
    Mula sa murang edad sa pawis laging babad
    Kumakayod sa syudad
    Akinse o atrenta kilo o delata
    Kanin na mas mura pa ang cd na pirata
    Ng bata na si pollisco
    Si gloc ba kamo mismo
    Bawat plema ng pangungutya ay tiniis ko

    Listo pa rin kahit na inaantok
    Baka may mapanaginipan akong kanta
    Na patok
    Sa masa na para bang itoy nag sisilbing
    Pang lunas
    Di maalis parang sibuyas kahit na ikay mag
    Hugas ng kamay
    Gamit ang baretang sabon ni inay
    Bawat salitang ginagamit ang isip moy
    Tinatangay
    Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago
    Kapag pinalo ng martilyo lulubog ang pako. (Ang pako)

    Dito sa amin kung san nang galing
    Mga makatang ulam at kanin
    Lamang ang bayad pero pumapayag
    Upang masubukan at mapatunayan

    Lagi mong tatandaan
    Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
    Huwag mong palalampasin ang
    Pagkakataon
    Kailangang pukpokin ang pako para bumaon

Post Title

Martilyo Lyrics - Gloc-9 feat. Letter Day Story


Post URL

https://dancing-with-the-stars-2011.blogspot.com/2010/09/martilyo-lyrics-gloc-9-feat-letter-day.html


Visit dancing-with-the-stars-2011 for Daily Updated Wedding Dresses Collection

Popular Posts

My Blog List

Blog Archive